Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time: 01 March 2024, 05:01 AM

Iginawad ngayong araw ang Plake ng pagkilala sa natatanging kuntribusyon ng mga myembro ng Sangguniang Bayan (SB) ng Mexico

June 27, 2022
Hunyo 27, 2022–Iginawad ngayong araw ang plake ng pagkilala sa natatanging kuntribusyon ng mga myembro ng Sangguniang Bayan (SB) ng Mexico sa lehislatibong inisyatibo at serbisyo publiko na ginanap sa Municipal Plaza.
Ang mga nakatanggap ay pawang mga nakapagtapos ng tatlong termino (2013-2022) na sina Kgg. Ikalawang-Alkalde Jonathan D. Pangan, Kgg. Elimar Ventura at Kgg. Fernando Dizon. Iginawad din ang naturang pagkilala kina Kgg. Ludet Sicat, Kgg. Emmanuel Manalo at Kgg. Allan Onofre na bababa na sa kanilang posisyon.
Malugod namang pinasalamatan ng butihing Alkalde Teddy C. Tumang ang mga nasabing myembro ng SB sa kanilang dedikasyon sa panunugkulan at serbisyo sa publiko at sa bayan.
Inaasahan naman ang buong suporta sa matapat at mahusay na pamamahala sa mga paparating na bagong halal na myembro ng SB.
Skip to content