Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time: 04 March 2024, 09:39 AM

Iginawad ni Mayor Tumang at ng mga myembro ng Sangguniang Bayan ang certificate of recognition at insentibong 50,000.00 kay Owl

May 31, 2022
May 30, 2022–Kinilala ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico, sa pangunguna ni Mayor Teddy C. Tumang, ang ipinamalas na husay ni Lee Howard “Owl” Gonzales, sa kategoryang electronic sports–Mobile Legends na nakapagbigay ng gintong medalya sa Pilipinas sa kakatapos lamang na Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.
Iginawad ni Mayor Tumang at ng mga myembro ng Sangguniang Bayan ang certificate of recognition at insentibong 50,000.00 kay Owl, sa pagbibigay karangalan sa bayan ng Mexico at sa bansang Pilipinas.
Kasamang dumalo kahapon sa ceremonial recognition ni Owl ang kanyang mga magulang at konseho ng barangay Buenavista, Mexico, kung saan sila kasalukuyang naninirahan.
Patuloy na hinihikayat ni Mayor Tumang ang mga kabataan, tulad ni Owl, na pagpursigihin pang abutin ang mga pangarap sa buhay upang pagdating ng araw, ay maging modelo din sila ng tagumpay sa buhay na makapagbibigay inspirasyon sa kapwa.
#MexicanoPride
#SeaGamesGoldMedalist
#MexicoPampanga
Skip to content