Inspeksyon ng Abacan River sa Suclaban-Culubasa Area
August 24, 2026
Nanguna si Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales, kasama si Congresswoman Mica Gonzales at mga kinatawan ng DPWH, sa inspeksyon ng Abacan River sa Suclaban-Culubasa area kahapon upang talakayin ang pagpapahusay ng koneksyon, accessibility, at kaligtasan ng mga komunidad sa lugar.
Sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at national government, patuloy nating isinusulong ang mga solusyong maghahatid ng mas ligtas at mas maayos na komunidad para sa bawat Mexicano.