Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time: 16 July 2024, 11:26 PM

ISANG MALIGAYANG BUWAN NG MGA KABABAIHAN!

March 21, 2022

Ipinagdiwang ngayong araw ang selebrasyon ng buwan ng mga kababaihan sa lokal na pamahalaan ng Mexico na may temang “Agenda ng Kababaihan Tungo sa Kaunlaran” sa pangunguna ng MSWDO Bb. Sharmaine Pabustan.
Dinaluhan ito at naghandog ng mensahe sina SB Member Ludet Sicat, Chairperson ng Women and Family Committee, at ng Co-Chairperson na si SB Member Trina Guevarra. Mariin nilang binanggit na ang pagtindig at partisipasyon ng mga kababaihan sa anumang larangan ng buhay ay napakahalaga kaya’t marapat lamang na parating iparinig ang kanilang mga boses.
Nagbigay naman ng munting parangal si Mayor Teddy C. Tumang sa iilang mga empleyado na nagpapakita ng ibayong dedikasyon sa serbisyo sibil na personal na iginawad ng Legal Officer na si Atty. Jovy Ann Atinaja:
Bb. Syra Jane Alburo – PWDO
Gng. Ma. Doreen Sanchez – MENRO
Gng. Nora Sabrido – Traffic Enforcer
Chief Grace Naparato – PNP-Mexico
Samantalang ginawaran naman ng Best Purple Attire sina:
Dra. Helen Sophia Cunanan – RHU 1
Gng. Rosana Aguas – MCR
Gng. Carla Almanenza – HR
Bilang pagtatapos, namigay and MSWD ng mga hygiene kit sa lahat ng mga empleyadong kababaihan.
#womensmonthcelebration2022
#LGUMEXICO

Skip to content