Isinailalim na po sa State of Calamity ang buong lalawigan ng Pampanga ngayong August 12, kasunod ng rekomendasyon ng PDRRMC.
August 14, 2026
JUST IN: PAMPANGA, ISINAILALIM NA SA STATE OF CALAMITY
Idineklara ng Sangguniang Panlalawigan ang buong lalawigan ng Pampanga sa ilalim ng State of Calamity ngayong Miyerkules, August 12. Batay ito sa rekomendasyon ng Pampanga Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) at nakapaloob sa Resolution No. 06, Series of 2026.
Layunin ng deklarasyon na mapabilis ang pagtugon at paghahatid ng tulong sa mga residenteng naapektuhan ng kalamidad matapos ang mga nagdaang bagyo at Habagat. | via CLTV36 News