JUST IN: MUNICIPALITY OF MEXICO EARNS 2025 SEAL OF CHILD-FRIENDLY LOCAL GOVERNANCE UNDER MAYOR RUDING’S LEADERSHIP 🏆👦👧
MEXICO, PAMPANGA — Isa na namang malaking karangalan ang nakamit ng Pamahalaang Bayan ng Mexico matapos itong gawaran ng prestihiyosong 2025 Seal of Child-Friendly Local Governance, bunga ng matagumpay nitong pagpasa sa 2025 Child-Friendly Local Governance Audit.
Sa ilalim ng pamumuno ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales, patuloy na pinagtitibay ng lokal na pamahalaan ang mga programang nagsusulong sa kapakanan, proteksyon, at maayos na kinabukasan ng bawat batang Mexicano.
Pormal na tinanggap nina Mayor Ruding, Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan, Councilor Allaine Ramos, Councilor Ludet Sicat, Councilor Vince Balajadia, kasama ang ibang department heads ng munisipyo, ang nasabing pagkilala na nilagdaan nina DSWD Secretary Rex Gatchalian at DILG Secretary Juanito Victor C. Remulla.
Malaki rin ang naging ambag ng Municipal Social Welfare and Development Office sa pangunguna ni MSWDO Sharmaine Pabustan-Sigua, katuwang ang buong lokal na pamahalaan, sa matagumpay na pagkamit ng parangal na ito.
Personal namang ipinagkaloob ni DILG Pampanga Provincial Director Dir. Myra B. Moral-Soriano, CESO V ang award plaque kina Mayor Ruding at sa mga opisyal ng bayan bilang pagkilala sa patuloy na pagsusulong ng child-centered governance sa Mexico.
Higit pa sa isang parangal, ang Seal of Child-Friendly Local Governance ay sumasalamin sa uri ng pamumunong inuuna ang kinabukasan ng kabataan, isang pamahalaang may malasakit, may pananagutan, at tunay na naglilingkod para sa bawat pamilyang Mexicano.
Sa Bayung Mexico, ang serbisyong may puso ay nagsisimula sa pag-aaruga sa bawat batang siyang pag-asa ng bayan.
#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico





