KABATAANG 4PS PINALAKAS SA ORGANIZING YOUTH LEADERS CUM GAD TRAINING SA BAYAN NG MEXICO, PAMPANGA
Mexico, Pampanga — Isinagawa ang Organizing Youth Leaders cum Gender and Development (GAD) Training. Dinaluhan ito ng 35 kabataang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula sa iba’t ibang barangay sa bayan.
Ang nasabing aktibidad ay inorganisa ng Municipal Action Team (MAT) ng Mexico sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at sa buong-suportang ibinigay ng Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Rodencio Gonzales.
Layunin ng pagsasanay na ito na palakasin ang kakayahan ng kabataang 4Ps upang maging aktibong lider, tagapagtaguyod ng gender equality, at modelo ng responsableng kabataan sa kanilang mga komunidad. Sa pamamagitan ng iba’t ibang lecture, team-building activities, at talakayan, nabigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na mas maunawaan ang konsepto ng Gender and Development (GAD) at ang kanilang mahalagang papel sa pagsusulong ng pantay na karapatan sa lipunan.
Binigyang-diin sa aktibidad ang kahalagahan ng partisipasyon ng kabataan sa pagpapaunlad ng komunidad at ang papel ng bawat isa sa pagpapatibay ng adbokasiya ng DSWD tungo sa mas inklusibo at makataong lipunan.
Ang matagumpay na pagsasagawa ng training ay patunay ng malakas na ugnayan ng DSWD, lokal na pamahalaan, at mga partner stakeholders sa patuloy na pagpapaigting ng programang 4Ps, hindi lamang bilang tulong-pinansyal kundi bilang daan tungo sa pagpapalakas ng kapasidad ng bawat pamilya at kabataang Pilipino.




CLICK HERE:
https://www.facebook.com/share/p/174qkzubSK/