KABATAANG MEXICANO, KINILALA SA NATATANGING PAMUMUNO
August 18, 2026
Tinanggap ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales, kasama sina Councilor Allaine Ramos, Councilor Engr. Tristar Sotto at Councilor Ar. Ariel Bonus, sa isang courtesy visit si Mark John Paras, isang kabataang Mexicano mula sa Barangay San Juan, Mexico, Pampanga, na kinilala bilang Emerging G17 Ambassador of the Year para sa Academic Term 2025–2026.
Si Paras ay nagsilbi bilang SDG 15 Ambassador ng Pampanga State University sa ilalim ng G17 University Ambassadors Consortium Philippines. Kinilala rin siya bilang G17 Fellow matapos ang matagumpay na pagkumpleto ng kanyang termino bilang university ambassador.
Ang pagkilalang ito ay iginawad noong July 4, 2026 sa G17 National Summit 2026 sa Lyceum of the Philippines University–Laguna, bilang pagkilala sa kanyang dedikasyon, aktibong pakikilahok, at natatanging pagganap bilang kabataang tagapagtaguyod ng Sustainable Development Goals.
Ipinahayag ni Mayor Ruding ang kanyang suporta at pagkilala sa tagumpay ni Paras, na nagsisilbing inspirasyon sa mga kabataang Mexicano na patuloy na mangarap, mamuno, at maglingkod sa komunidad.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/19RMftSNJh/