Bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya ni Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales na palakasin ang kabuhayan ng mga Mexicanos, 70 benepisyaryo ang tumanggap ng tig-PHP 5,000 bilang dagdag puhunan sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng lokal na pamahalaan.
Ang programa ay isinakatuparan sa pangangasiwa ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWD) sa pamumuno ni MSWDO Sharmaine Pabustan-Sigua, katuwang ang administrasyon ni Mayor Ruding sa paghahatid ng agarang tulong pangkabuhayan sa mga nangangailangan.
Ayon kay Mayor Ruding, hangarin niya na mabigyan ng pagkakataon ang bawat Mexicano na magkaroon ng matatag na pagkakakitaan. Bagama’t hindi pa ito maisasagawa nang sabay-sabay dahil sa limitadong pondo, tiniyak ng alkalde na magpapatuloy ang programa at palalawakin pa sa mga susunod na taon upang mas marami ang makinabang.
Personal na pinangunahan ni Mayor Ruding ang payout bilang patunay ng kanyang malasakit at aktibong pamumuno sa pagpapatupad ng mga programang naglalayong maghatid ng inklusibo at pangmatagalang kaunlaran para sa bayan ng Mexico.



CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1CmNB6CxZt/