Skip to main content

Kapihan ng Mamamayan: Pulong-Tulong sa Kaunlaran

Itinatanghal ng Philippine Information Agency (PIA), katuwang ang lokal na pamahalaan ng Mexico, Pampanga, ang #ExplainExplainExplain Kapihan ng Mamamayan: Pulong-Tulong sa Kaunlaran ngayong araw, Marso 24, sa Cinema 1, SM City Pampanga sa Brgy. Lagundi, Mexico, Pampanga, kasama si PIA Deputy Director-General Asec. Karl Louie B. Fajardo bilang panauhing pandangal.
Alamin ang iba’t ibang mga programa, proyekto at serbisyong pangkabuhayan mula sa Department of Trade and Industry (DTI) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na nagbibigay oportunidad sa ating mga mamamayan tungo sa pag-unlad ng pamumuhay.
Kasabay ng talakayan ay isinasagawa rin ang isang service caravan tampok ang mga pangunahing serbisyo ng DTI, TESDA, Philippine Statistics Authority (PSA), at National Telecommunications Commission (NTC).
Kabilang sa mga serbisyong inihahatid ang mga sumusunod:
Business Counselling, Business Name Registration, and Business Loan Referral mula sa DTI; Haircare Services at Barista (coffee) Services mula sa TESDA; Sim Card Registration Assistance (Globe and Smart) mula sa NTC; at PhilID Registration, ePhilID Issuance, Verification Assistance for appointment system and acceptance of applications for Civil Registration, and Assistance to verify Filipinos with no existing record of birth mula sa PSA.
#ExplainExplainExplain

Watch here: https://www.facebook.com/pia.gov.ph/videos/1233495540894111

Official Website of Municipality of Mexico Pampanga