Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

Kasabay ng ating paggunita sa pagputok ng Bulkang Pinatubo, alalahanin at ipagdiwang din natin ang muling pagbangon ng Bayan ng Bacolor mula sa matinding trahedyang idinulot nito.

June 17, 2026

Sa gitna ng labis na pagsubok—bagaman walang naniwala noong una—pinatunayan nating kaya natin. Hindi tayo sumuko; sa halip, isinabatas natin ang Bacolor Rehabilitation Act, pinangunahan ang Bacolor Rehabilitation Council, at binalangkas ang Bacolor Comprehensive Master Plan.
Bunga ng pagkakaisang ito, ang Bacolor ngayon ay hindi na isang bayang nasalanta, kundi isang maunlad na sentro ng edukasyon at komunidad.
Ngayon, buong-giting nating ipinagmamalaki na ang ating bayan ang pangunahing tahanan ng Pampanga State University na may humigit-kumulang 45,000 na mag-aaral. Kaakibat nito ang pagtayo ng mga bagong Government Centers, pati na ang mga makabagong pasilidad at world-class na imprastraktura para sa kapakinabangan ng lahat.
Ang Bayan ng Bacolor ay mananatiling buhay na simbolo ng katatagan at tapang ng bawat Kapampangan. Mananatili itong paalala na anuman ang bigat ng pasanin, lumaban lang—dahil sa pagkakaisa, lahat ay posible.
#DongGonzales
#LahatPosible
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1C6XvWh4pW/

Skip to content