Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time: 20 June 2024, 05:55 PM

Kasalang Bayan 2024 sa Villa Aurelio II, Anao, Mexico, Pampanga

February 19, 2024

Ikinasal ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” Gonzales Gonzales ang 101 couples sa ginanap na Kasalang Bayan 2024 sa Villa Aurelio II, Anao, Mexico, Pampanga nitong Miyerkules, Pebrero 14.
Dinaluhan ito ni Pampanga 3rd District Senior Board Member Mica Gonzales at Sangguniang Bayan members na pinangunahan ni Vice Mayor Site Siron.
Sa seremonya, ipinaalala ni Mayor Gonzales sa mga ikinasal ang kahalagaan ng respeto sa relasyon na siyang susi upang mapatagal ito. Nangako rin siyang hindi na lilimitahan ng munisipyo ang bilang ng mga ikakasal sa susunod na Kasalang Bayan.
Naging matagumpay ang Kasalang Bayan ngayong taon sa ilalim ng pangangasiwa ng Municipal Civil Registrar’s Office sa pangunguna ng kanilang head na si Mrs. Rosana T. Aguas.

Skip to content