Congratulations & Best Wishes
Ikinasal ni Mayor Ruding Gonzales ang apat na couple sa kanyang opisina kahapon, ika-11 ng Setyembre.
Sa kanyang mensahe, pinaalalahanan ni Mayor Ruding ang mga bagong kasal na mahalaga ang respeto sa isa’t isa upang maging matagumpay ang kanilang pagsasama. Dagdag pa niya, sa oras ng mga pagsubok, dapat silang magtulungan at hilahin ang isa’t isa pataas upang makamit ang masayang buhay mag-asawa.