Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time: 04 March 2024, 10:38 AM

Kauna-unahang Pulong ng mga myembro ng Outstanding Mexicano Awards (OMA) Committee

March 9, 2022
Marso 09, 2022– Ginanap ngayong araw ang kauna-unahang pulong ng mga myembro ng Outstanding Mexicano Awards (OMA) Committee na pinangunahan ng Mexico Tourism Office sa Ing Bale Mi, Parian, Mexico.
Ang OMA ay magbibigay pagkilala at parangal sa mga indibidwal o grupong nagtagumpay sa kani-kanilang piniling larangan o propesyon at nakapagbigay ng karangalan o katangi-tanging serbisyo sa bayan ng Mexico, sa bansa at sa iba pang lokasyon. Ito ay gaganapin sa selebrasyon ng ika-441 taon ng bayan ng Mexico sa Ing Bale Mi.
Ang kumpletong detalye tulad ng kung kailan at saan maaaring magpasa ng nominasyon at pagkakakilanlan ng mga myembro ng OMA Committee ay mailalathala sa susunod na araw.
Skip to content