Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

LGU MEXICO, KINILALA ANG MGA LATIN HONOR GRADUATES

August 18, 2026
Kinilala ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico, sa pangunguna ni Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales at Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan, ang mga graduate na nagkamit ng Latin Honors sa pamamagitan ng paggawad ng Certificate of Recognition at cash incentive bilang pagkilala sa kanilang tagumpay.
Kabilang sa mga pinarangalan si Rico Arnaldo M. Tiglao, Summa Cum Laude; Angela Faye N. Almarez, Jerica Mañalac, at Franco Andrei Nikki B. Dizon, mga Magna Cum Laude; at Prince Christian P. Torres, Mycel Krizy T. Marcial, Dyairah M. Sanchez, at Shaira D. Tayag, mga Cum Laude.
Tumanggap ng ₱7,000 ang Summa Cum Laude, ₱5,000 ang bawat Magna Cum Laude, at ₱3,000 ang bawat Cum Laude bilang cash incentive.
Bahagi ito ng programa ng lokal na pamahalaan upang kilalanin at bigyang-halaga ang sipag, dedikasyon, at tagumpay ng mga kabataang Mexicano. Isinasakatuparan ito sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Ruding, sa suporta ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan na pinamumunuan ni Vice Mayor Doc Pangan.
Skip to content