Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

LGU MEXICO, NAGPARANGAL SA MGA ACHIEVERS; NAGKALOOB DIN NG TULONG SA MGA NABIKTIMA NG SUNOG

July 23, 2026

Pinangunahan ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales, kasama sina Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan, Councilor Allaine Ramos, at Councilor Vince Balajadia, ang paggawad ng cash incentives at iba pang tulong-pinansyal sa mga benepisyaryong Mexicano.

Kabilang sa mga tumanggap ng cash grants ang mga sports achievers, academic achievers, at mga nagtapos na may Latin Honors bilang pagkilala ng Lokal na Pamahalaan sa kanilang dedikasyon, pagsisikap, at tagumpay. Nagkaloob din ng tulong-pinansyal sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog bilang bahagi ng patuloy na pagtugon ng pamahalaang bayan sa mga nangangailangan.

Ang mga programang ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Ehekutibong Sangay sa pamumuno ni Mayor Ruding at ng Lehislatibong Sangay sa pangunguna ni Vice Mayor Doc Pangan, katuwang ang lahat ng miyembro ng Sangguniang Bayan, upang maihatid ang mga programang nagbibigay-pugay sa mga natatanging Mexicano at agarang tulong sa mga pamilyang nangangailangan.

Patunay ito ng patuloy na pagsisikap ni Mayor Ruding na tiyaking ang mga programa ng Lokal na Pamahalaan ay umaabot sa mga karapat-dapat kilalanin at sa mga higit na nangangailangan ng tulong.

#RSGCares
#BayungMexico

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1EuSHrw2CD/

 

Skip to content