LGU MEXICO, PINARANGALAN ANG KAHUSAYAN AT TAGUMPAY NG MGA KABATAANG MEXICANO 🎓🏅
Binigyang pagkilala at ginawaran ng insentibo ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico ang mga natatanging Mexicanong mag-aaral na nagtapos na may Latin Honors at mga achiever sa iba’t ibang larangan at kompetisyon.
Personal na ipinagkaloob nina Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales at Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan, kasama sina Councilor Allaine Ramos, Councilor Ludet Sicat, at Councilor Vince Balajadia, nitong Miyerkules ang naturang mga insentibo bilang pagkilala sa sipag, dedikasyon, at tagumpay ng mga kabataang Mexicano.
Ang programang ito ay patunay ng matibay na paninindigan ng administrasyon ni Mayor Ruding sa pagsusulong ng dekalidad na edukasyon at pagbibigay-inspirasyon sa mga kabataan na patuloy na magsikap at mangarap para sa kanilang kinabukasan.
Bunga rin ito ng pagkakaisa at pagtutulungan ng Ehekutibo sa pamumuno ni Mayor Ruding at ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Doc Pangan para sa kapakanan at pag-unlad ng bawat Mexicano.
Sa Bayung Mexico, ang tagumpay ng kabataan ay tagumpay ng buong bayan. ✨
#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico
Click Here:https://www.facebook.com/share/p/1Cm2ZfHgkE/
Latest Stories