Sa ilalim ng suporta ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” Gonzales, nagpulong ang Local School Board (LSB) upang talakayin ang kanilang budget para sa taong 2024 nitong Pebrero 20, Martes, sa Municipal Conference Hall.
Pinangunahan ito ng mga District Supervisor na sina Dr. Delapaz T. Waje, Dr. Bernadette V. Lerit, at Gng. Edna Pineda na miyembro rin ng LSB.
Kasama rin sa pagpupulong ang mga Municipal Department Head na sina Acting Municipal Engineer Engr. Tristar Sotto, Municipal Budget Officer Nerissa Trinidad at Sangguniang Bayan members, SKMF President Jerome Pabustan, at Municipal Councilor John Paul Gozun, na nagpakita ng pakikipagtulungan sa pamamahala para sa kaunlaran ng mga lokal na paaralan sa bayan ng Mexico.