Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

MAHIGIT 1,400 MAG-AARAL SA BAYAN, NAKATANGGAP NG EDUCATIONAL ASSISTANCE MULA SA DSWD

June 11, 2026

π— π—”π—›π—œπ—šπ—œπ—§ 𝟭,𝟰𝟬𝟬 π— π—”π—š-𝗔𝗔π—₯π—”π—Ÿ 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑, π—‘π—”π—žπ—”π—§π—”π—‘π—šπ—šπ—”π—£ π—‘π—š π—˜π——π—¨π—–π—”π—§π—œπ—’π—‘π—”π—Ÿ π—”π—¦π—¦π—œπ—¦π—§π—”π—‘π—–π—˜ π— π—¨π—Ÿπ—” 𝗦𝗔 𝗗𝗦π—ͺ𝗗

Patuloy na pinapalawak ang suporta sa edukasyon sa bayan ng Mexico matapos makatanggap ng Educational Assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mahigit 1,400 na mag-aaral nitong Huwebes, Hunyo 11, 2026.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang 510 college students na tumanggap ng tig-β‚±6,000 at 910 junior at senior high school students na nakatanggap naman ng tig-β‚±3,000 bilang tulong para sa kanilang pag-aaral.

Personal na dumalo sa payout sina Pampanga 3rd District Congresswoman Mica Gonzales at Municipal Mayor Rodencio β€œRuding” S. Gonzales, na nanguna sa pagsulong ng programang ito upang mas maraming kabataang Mexicano ang mabigyan ng tulong at pagkakataong maipagpatuloy ang kanilang edukasyon. Kasama rin sa aktibidad sina Councilor Engr. Tristar Sotto, Councilor Allaine Ramos, Councilor Vince Balajadia, at Councilor Ariel Bonus.

Ipinapakita ng programang ito ang bunga ng matibay na pagtutulungan ng pambansang pamahalaan at lokal na pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Ruding, katuwang sina Congresswoman Mica Gonzales, Vice Mayor Doc Pangan, at ang buong Sangguniang Bayan ng Mexico, sa layuning matiyak na walang kabataang Mexicano ang maiiwan pagdating sa edukasyon.

Sa Bayung Mexico, edukasyon ang puhunan sa mas maliwanag na kinabukasan.

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1CJAz9rn8o/

Skip to content