Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

Mahigit Isang Libong Mag-aaral sa Mexico, Benepisyaryo ng AICS Educational Assistance

June 23, 2026
Tumanggap ng tulong pinansyal mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kabuuang 1,042 na mag-aaral na Mexicano kung saan 827 ay senior high school students na tumanggap ng tig-₱3,000, at 215 naman ay college students na nakatanggap ng tig-₱6,000 sa isinagawang payout ngayong Martes, June 23, 2026, sa Mexico Mini Convention Center.
Ang programa ay naisakatuparan sa pamamagitan ng DSWD at ng inisyatiba nina Pampanga 3rd District Congresswoman Mica Gonzales at Board Member MyMy Mercado-Gonzales bilang bahagi ng kanilang patuloy na pagsusulong ng mga programang nagbibigay ng agarang tulong at suporta sa mga pamilyang nangangailangan.
Dumalo rin sa payout si Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales bilang pagpapakita ng suporta ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico sa mga programang nakatutulong sa kapakanan at kinabukasan ng mga kabataang Mexicano.
Patunay ang programang ito ng matibay na pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico sa pangunguna nina Mayor Ruding at Vice Mayor Doc Pangan, kasama sina Congresswoman Mica at Board Member MyMy, upang higit pang palakasin ang suporta para sa sektor ng edukasyon, na naglalayong bigyan ang mga kabataang Mexicano ng mas matatag na pundasyon para sa kanilang kinabukasan at tagumpay.
Skip to content