Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

Mainit na tinanggap ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales si Ms. Sophia Bianca Santos ng Lubao, Pampanga sa isang courtesy visit sa kanyang tanggapan.

June 17, 2026

Si Ms. Santos ang opisyal na kinatawan ng Pilipinas sa Miss Elite World 2026 na gaganapin sa Egypt ngayong Setyembre, kung saan kanyang dadalhin ang bandera ng bansa sa prestihiyosong international pageant.
Ipinahayag ni Mayor Ruding ang kanyang buong suporta at pagbati kay Ms. Santos sa kanyang nalalapit na kompetisyon.
Kasamang tumanggap ng alkalde sa pagbisita ni Ms. Santos sina Councilor Engr. Tristar Sotto, Councilor Allaine Ramos, at Councilor Vince Balajadia.
Ang patuloy na pagsuporta ni Mayor Ruding sa mga Pilipinong nagbibigay karangalan sa bayan ay patunay ng kanyang paniniwala na ang tagumpay ng bawat isa ay tagumpay rin ng buong sambayanan.
#RSGCares
#BayungMexico


CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/19M8c8WnjG/

Skip to content