Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

Malaki po ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan ng Mexico sa Security Bank Foundation sa pagpili sa ating bayan, partikular sa Mexico National High School, bilang isa sa mga paaralang pagtatayuan nila ng bagong school building sa darating na 2028

October 6, 2025

Malaki po ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan ng Mexico sa Security Bank Foundation sa pagpili sa ating bayan, partikular sa Mexico National High School, bilang isa sa mga paaralang pagtatayuan nila ng bagong school building sa darating na 2028.

Isang mahalagang proyekto ito mula sa Foundation bilang bahagi ng kanilang programa — isang napakalaking biyaya para sa ating mga kabataan at sa hinaharap ng edukasyon sa Mexico.

Tunay na nakaka-inspire ang ganitong uri ng partnership sa pribadong sektor, na nagpapalakas sa ating layuning maghatid ng de-kalidad na edukasyon para sa mga susunod na henerasyon ng mga Mexicano.

#RSGCares
#BayungMexico

Please click link for more information: https://www.facebook.com/share/p/1B3TgdGcZf/

Skip to content