Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

Maligayang Buwan ng Wika mula sa Pamahalaang Bayan ng Mexico, Pampanga!

August 2, 2025

Sa pangunguna ni Mayor Rodencio S. Gonzales, buong pusong sinusuportahan ng lokal na pamahalaan ang temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.”
Ang wikang Filipino at mga katutubong wika ay hindi lamang kasangkapan sa pakikipag-usap. Ito rin ang nagsisilbing tulay sa pagkakaunawaan, paggalang sa kasaysayan, at pagbubuklod ng sambayanan. Sa bawat salitang ating ginagamit, buhay ang ating kultura at pagkakakilanlan bilang Pilipino.
Ngayong Buwan ng Wika, hinihikayat ang bawat isa na gamitin, mahalin at ipagmalaki ang ating sariling wika—hindi lang sa Agosto, kundi sa araw-araw.
#IngBayungMexico
#SerbisyungAtingPusu
#BuwanNgWika2025

Please click link for more information:
https://www.facebook.com/share/p/174nYv5Get/

Skip to content