Kasama sina Senior Deputy Speaker Congressman Dong Gonzales, Governor Delta Pineda at Vice Governor Nanay Pineda, mainit na sinalubong ni Mayor Ruding Gonzales sina President Bongbong Marcos at House Speaker Martin Romualdez sa kanilang pagdating ngayong umaga sa Global Construct City sa Panipuan, Mexico, Pampanga, ika-7 ng Agosto.
Lubos din silang nagpasalamat sa ibinigay na 148 heavy equipment, kabilang ang excavators, trailer trucks, at dumpers, mula kay Pangulong BBM para sa National Irrigation Administration sa Pampanga. Ang mga kagamitan na ito, ayon sa ulat ng Pangulo, ay may kabuuang halaga na PHP 782.1 milyon.
Ang layunin ng Pangulo ay masiguro ang sapat na suplay ng pagkain at masuportahan ang irigasyon sa bansa.
PHOTOS screen grabbed from RTVM
#IngBayungMexico
#SerbisyungAtinPusu