Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

Mas Maayos na Daluyan ng Tubig, Mas Protektadong Sakahan sa Barangay Buenavista

June 25, 2026

PATULOY ANG PAGLILINIS AT PAGPAPALALIM NG MGA DALUYAN NG TUBIG AT SAPA SA BARANGAY BUENAVISTA

Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico sa ilalim ng pamumuno nina Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales at Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan, kasama ang suporta ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan, isinasagawa ang paglilinis at pagpapalalim ng mga daluyan ng tubig at sapa sa Barangay Buenavista upang matiyak ang maayos na pagdaloy ng tubig lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Malaki ang magiging pakinabang ng gawaing ito para sa ating mga magsasaka dahil nakatutulong itong maiwasan ang pagbaha sa mga sakahan, mabawasan ang pagbara sa mga daluyan ng tubig, at mapanatiling maayos ang irigasyon na mahalaga sa kanilang kabuhayan.

Sa pamamagitan ng mga konkretong hakbang na ito, patuloy na pinagtitibay ng administrasyon ni Mayor Ruding ang kahandaan ng komunidad laban sa epekto ng matitinding pag-ulan habang pinangangalagaan ang kabuhayan ng ating mga magsasaka.

Sa Bayung Mexico, tuloy-tuloy ang mga programang nagbibigay-solusyon at nagtataguyod ng mas ligtas, mas produktibo, at mas maunlad na pamayanan.

Mas maayos na daluyan ng tubig, mas protektadong sakahan, at mas handang Bayung Mexico.

#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1BHdrC6k6u/

Skip to content