MAS MARAMING OPORTUNIDAD SA TRABAHO: McDONALD’S SUCLABAN NLEX, NAKIPAG-UGNAYAN SA LOKAL NA PAMAHALAAN
Nagbigay ng courtesy visit kay Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales ang mga Restaurant General Managers ng Golden Arches Development Corporation (GADC) na sina Rosslee Yalung, Rose Layug, at Teodoro Librando upang talakayin ang Local Recruitment Activity (LRA) na kanilang kasalukuyang isinasagawa katuwang ang Public Employment Service Office (PESO) sa pangunguna ni PESO Manager Romeo Tiglao.
Layunin ng naturang aktibidad na mabigyan ng oportunidad sa trabaho ang mga Mexicano bilang mga empleyado ng McDonald’s Suclaban sa NLEX, na nakatakdang magbukas sa darating na panahon.
Nagpasalamat si Mayor Ruding sa GADC at McDonald’s sa pagbibigay-priyoridad sa mga lokal na aplikante at sa pagbubukas ng mas maraming oportunidad sa trabaho para sa mga mamamayan ng Mexico. Patuloy rin niyang ipinapakita ang suporta ng lokal na pamahalaan sa mga programang nagbibigay ng trabaho at tumutulong sa pagpapabuti ng kabuhayan ng mga Mexicano sa bayan.
#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1FYp7FrFck/
Latest Stories




