Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

MAS MARAMING SERBISYO, MAS MARAMING OPORTUNIDAD PARA SA BAWAT MEXICANO

August 3, 2026

Ang tunay na malasakit ay hindi lamang nasusukat sa pagtatrabaho sa loob ng munisipyo, kundi sa kahandaang gawin ang lahat upang makapaghatid ng mas maraming serbisyo sa mga Mexicano.
Para kay Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales, walang maliit o malaking opisina pagdating sa paglilingkod. Kung kinakailangang makipag-ugnayan at humingi ng suporta sa National Government upang makapagdala ng karagdagang pondo, proyekto, at mga programang makatutulong sa Bayan ng Mexico, lalo na sa ating mga kababayang higit na nangangailangan, gagawin niya ito.
Naninindigan ang Lokal na Pamahalaan ng Mexico, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Ruding katuwang si Vice Mayor Doc Pangan at ang buong Sangguniang Bayan, na hindi titigil sa paghahanap ng mga pagkakataong makapagbigay ng mas maayos, mas mabilis, at mas inklusibong serbisyo para sa bawat Mexicano.
Dahil ang bawat pagkakataong makapag-uwi ng tulong at suporta ay pagkakataon ding makapaglingkod sa mas maraming Mexicano.
#RSGCares
#BayungMexico
Click Here:https://www.facebook.com/share/p/1BUd2ucNjc/

Skip to content