Nag-courtesy visit sa tanggapan ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales ang mga kinatawan ng National Bureau of Investigation (NBI) Pampanga District Office sa pangunguna ni Provincial Director Atty. Augusto Eric Isidoro.
Kasama ni Mayor Ruding sa pagtanggap sa mga panauhin si Councilor Allaine Ramos. Sa naging pagpupulong, tinalakay ang pagpapalakas ng koordinasyon at pagtutulungan sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico at ng NBI upang higit na mapahusay ang pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa bayan.
Patunay ang pagpupulong na ito sa patuloy na pagsisikap ng pamahalaang bayan at ng mga ahensyang nagpapatupad ng batas na magkaisa sa pagsusulong ng mas ligtas at mas maayos na komunidad para sa bawat Mexicano.
#RSGCares #SerbisyungAtinPusu #BayungMexico
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1APYg1N88a/