Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

Mayor Gonzales, nanawagan sa mga developer na sundin ang urban plan ng Mexico

July 22, 2025

‎Nanawagan si Mexico Mayor Ruding Gonzales sa mga developer ng subdivision na mahigpit na sumunod sa urban planning ng bayan matapos lumutang ang mga ulat na nagdudulot umano ng pagbaha sa komunidad ang ilan sa mga proyekto na walang koordinasyon.

‎Ayon sa alkalde, may mga insidente ng pagtambak ng lupa at konstruksyon na isinagawa nang walang sapat na konsultasyon sa Municipal Engineering Office. Ito raw ang humaharang sa natural na agos ng tubig at nagpapalala sa baha.

‎“Ang urban planning ay hindi lamang dokumento. Ito ay gabay sa ligtas at maayos na pag-unlad ng bayan. Kapag hindi ito sinunod, ang epekto niyan, ang mga residente ang naaapektuhan,” giit ng alkalde.

‎Kasunod nito, inatasan ng LGU ang mga kaukulang departamento na paigtingin ang monitoring at inspeksyon sa mga proyekto para matiyak na sumusunod ang mga ito sa local development plan. | via Paulo Gee Santos, CLTV36 News

‎#CLTV36News #CLTV36NewsBites
‎#CLTV36NewsDigital See less

Please click link for more information:
https://www.facebook.com/share/p/1774mz9WTu/

Skip to content