Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

Mayor RSG, nanguna sa inspeksyon ng mga warehouse sa Mexico

February 10, 2026

Mayor RSG, nanguna sa inspeksyon ng mga warehouse sa Mexico

Pinangunahan ni Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales ang isang random inspection ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico sa mga warehouse sa Barangay Panipuan at Barangay Lagundi ngayong araw. Ito ay kasunod ng pagkahuli sa isang ilegal na produksyon ng sigarilyo sa Barangay Panipuan nitong nakaraang linggo.

Kasama ni Mayor Ruding ang ilang miyembro ng Sangguniang Bayan, mga department heads, Bureau of Fire Protection (BFP), at Acting Chief of Police PLTCOL Julius A. Javier. Layunin ng inspeksyon na tiyakin na ang mga pasilidad ay may kumpletong business permits at walang anumang uri ng iregularidad o iligal na aktibidad.

Mariing ipinahayag ni Mayor Ruding na hindi niya pahihintulutan ang anumang iligal na gawain sa bayan ng Mexico at hinikayat ang mga mamumuhunan na dumaan sa tamang proseso at sumunod sa mga umiiral na batas at regulasyon.

Binigyang-diin din ng alkalde na ang ganitong uri ng inspeksyon ay magpapatuloy sa mga darating na araw bilang bahagi ng kanyang adbokasiya na panatiliing business-friendly ang Mexico habang mahigpit na ipinapatupad ang batas upang mapanatili ang kaayusan at integridad ng bayan.

#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1AU6NyCKkR/

Skip to content