MAYOR RUDING AT VICE MAYOR DOC PANGAN, BUMISITA SA MGA EVACUEES SA MUNICIPAL EVACUATION CENTER
August 9, 2026
Personal na binisita nina Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales, Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan, Councilor Engr. Tristar Sotto, at Municipal Administrator Engr. Nestor Pineda ang mga evacuees na kasalukuyang nanunuluyan sa Municipal Evacuation Center.
Kabilang sa mga evacuees ang 25 pamilya mula Barangay Lagundi, na may kabuuang 104 indibidwal.
Sa kanilang pagbisita, kinumusta ng mga opisyal ang kalagayan ng mga evacuees at siniguro na natutugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan. Nagpaabot din si Mayor Ruding ng personal na tulong sa mga pamilyang pansamantalang lumikas dahil sa patuloy na pag-ulan.
Nauna nang naghatid ng tulong ang lokal na pamahalaan sa pangunguna nina MSWDO Sharmaine Pabustan-Sigua at MDRRMO Victor Sundiang bilang bahagi ng patuloy na pagtugon ng lokal na pamahalaan sa mga residenteng naapektuhan ng sama ng panahon.
Patuloy ang koordinasyon ng Pamahalaang Bayan upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng bawat pamilyang nangangailangan ng tulong sa panahon ng kalamidad.
Click here: https://www.facebook.com/share/p/1F3LRZWjES/