MAYOR RUDING AT VICE MAYOR DOC, PATULOY NA NAGHAHATID NG TULONG SA MGA MEXICANONG NANGANGAILANGAN
Sa pangunguna nina Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales at Municipal Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan, muling naipamahagi ang tulong pinansyal sa mga Mexicanong nangangailangan sa ilalim ng Financial Assistance Program ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico.
Kabuuang 186 na benepisyaryo ang nakatanggap ng tulong para sa kanilang mga gastusing medikal at burial assistance, habang 55 Children with Special Needs, kabilang ang mga batang may autism, ang nabigyan din ng kaukulang ayuda upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Kasama rin sa payout sina Councilor Vince Balajadia, Councilor Engr. Tristar Sotto, at Councilor Ar. Ariel Bonus.
Ang payout ay pinangasiwaan ng Municipal Treasurer’s Office sa pangunguna ni Municipal Treasurer Leilani Canlas at ng mga staff ng Office of the Municipal Mayor.
Patuloy na naipatutupad ang mga programang ito sa inisyatiba ni Mayor Ruding at sa suporta ni Vice Mayor Doc Pangan at ng buong Sangguniang Bayan, bilang bahagi ng kanilang layuning matiyak na may maaasahang katuwang ang mga Mexicano sa oras ng pangangailangan.
Sa kanyang mensahe, pinagtibay ni Mayor Ruding ang tuloy-tuloy na pakikipagtulungan sa mga kapwa lingkod-bayan upang makapaghatid ng mga programang tunay na makatutulong at magpapabuti sa buhay ng bawat pamilyang Mexicano.
Mula sa serbisyong pangkalusugan hanggang sa mga programang panlipunan, patuloy na pinatutunayan ni Mayor Ruding ang kanyang malasakit sa kapakanan ng bawat Mexicano. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, nananatiling prayoridad ang paghahatid ng agarang tulong at makabuluhang suporta sa mga Mexicano na higit na nangangailangan.
#RSGCares
#BayungMexico
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/18udrjYJSM/









