MAYOR RUDING AT VM DOC, PINANGUNAHAN ANG PAMAMAHAGI NG EDUCATIONAL ASSISTANCE SA MGA PWD
Pinangunahan ni Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales, kasama si Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan, ang pamamahagi ng educational assistance para sa 35 Persons with Disabilities (PWDs) sa Bayan ng Mexico, bilang bahagi ng patuloy na programa ng lokal na pamahalaan para sa inklusibong edukasyon at kapakanan ng sektor ng PWD. Bawat benepisyaryo ay tumanggap ng ₱5,000 na tulong-pinansyal, kung saan 18 ay mga estudyanteng nasa kolehiyo at 17 ay mga mag-aaral sa senior high school. Ang pondong ginamit para sa nasabing tulong ay nagmula sa LGU Mexico, na nagpapatunay sa malasakit at suporta ng lokal na pamahalaan sa edukasyon ng mga PWD.
Ang programa ay pinangunahan ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) sa pamumuno ng kanilang head na si Jonathan Panganiban.
Matatandaang noong Agosto, tumanggap din ng educational assistance ang mga elementary students na PWD, bilang pagpapatuloy ng komprehensibong programa ng lokal na pamahalaan para sa edukasyon.
Kasabay nito, binanggit din ni Mayor Ruding ang Mexico Center for Children with Autism and other Special Needs, na inaasahang magagamit na sa susunod na taon at magbibigay ng serbisyong nakatuon sa mga batang may autism at iba pang special needs.
Sa pamumuno ni Mayor Ruding, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Mexico ang mga programang nagbibigay prayoridad sa edukasyon, at pag-aaruga sa bawat sektor ng bayan.
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1HatYvYi1s/





Latest Stories