Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

Mayor Ruding Gonzales, Ipinagdiwang ang Kaarawan sa Pagbibigay-Kalinga sa mga Cancer Patients

June 20, 2026

Mayor Ruding Gonzales, Ipinagdiwang ang Kaarawan Kasama ang mga Cancer Patients
MEXICO, Pampanga — Sa halip na magarbong handaan, pinili ni Municipal Mayor Ruding Santos Gonzales na ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong sa mga pasyenteng may kanser (cancer patients).Kabilang sa mga dumalo sa nasabing okasyon ay sina dating Deputy Speaker Aurelio ‘dong’Gonzales at Board member MyMy Mercado Gonzales ,upang magpaabot ng mensahe at pagbati.
Ginamit ng alkalde ang kanyang espesyal na araw upang makipag-ugnayan nang personal sa mga pasyente, kung saan nagbahagi ito ng kaunting liwanag, inspirasyon, at pag-asa sa kanilang patuloy na laban sa sakit.
Ayon sa tanggapan ng alkalde, ang hakbang na ito ay bahagi ng kanyang personal na adbokasya na unahin ang kapakanan ng mga sektor na nangangailangan ng kalinga at suportang medikal sa lungsod.

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1bSUvZqyaX/

Skip to content