Nag-courtesy visit si Mayor Rodencio “Ruding” Gonzales kay Pampanga Governor Lilia “Nanay” Pineda sa Kapitolyo ngayong Lunes bilang bahagi ng patuloy na pagsusumikap na mapalakas ang mga programang pangkalusugan para sa mga Mexicano.
Sa naging pagbisita, tinalakay nina Gov. Nanay at Mayor Ruding ang tulong ng Pamahalaang Panlalawigan sa Mexico Community Hospital, partikular ang pagbibigay ng Guarantee Letters upang mapagaan ang gastusing medikal ng mga pasyente. Nakasama rin ni Mayor Ruding sa tanggapan ni Gov. Nanay ang ilang Board Members, kabilang sina Cherry Manalo, Christian Halili, Fritzie David-Dizon, Shiwen Lim, at Vince Calara. Kasama rin ni Mayor Ruding sa naturang courtesy visit ang kaibigang si Bunny Bautista.
Pinagtitibay ng hakbanging ito ang matibay na ugnayan ng Pamahalaang Panlalawigan at Lokal na Pamahalaan ng Mexico upang masiguro ang maayos at abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa bawat Mexicano.
#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico




Click here: https://www.facebook.com/share/p/1DEB58Rwno/