Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

MAYOR RUDING GONZALES NAGHATID NG PAMASKO SAYA AT PAGASA SA ISANG SHELTER FOR KIDS SA MEXICO

December 24, 2025

Naging mas makulay at mas masaya ang Pasko ng mga batang nasa isang shelter sa Mexico, Pampanga matapos silang dalawin ni Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales at personal na maghatid ng pamasko, saya, at pag-asa ngayong araw, December 24, 2025.
Simula nang maupo bilang alkalde, naging tradisyon na ni Mayor Ruding ang magbahagi ng kagalakan tuwing Kapaskuhan, lalo na sa mga batang higit na nangangailangan ng aruga at pagmamahal. Bilang pasasalamat, masayang sinalubong ng mga bata ang alkalde sa pamamagitan ng awit at sayaw na lalong nagpakita ng diwa ng Kapaskuhan.
Kabuuang 48 na bata, 38 na babae at 10 na lalaki, ang tumanggap ng mga laruan, aginaldo, school materials, food packs, at ham bilang pamaskong handog. Malugod ding pinasasalamatan ang SM Foundation sa kanilang donasyon ng mga laruan na nagbigay ng dagdag tuwa sa mga bata.
Ang aktibidad ay pinangasiwaan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pamumuno ng kanilang head na si Ms. Sharmaine Pabustan-Sigua. Kasama rin ng alkalde ang kaibigang si Mr. Nico Cao, na nangakong muling babalik sa shelter sa susunod na Pasko upang ipagpatuloy ang pagbabahagi ng saya sa mga bata.
Sa kabila ng abalang schedule ngayong Pasko, hindi huminto si Mayor Ruding Gonzales sa kanyang adhikaing maghatid ng ngiti, pag-asa, at diwa ng malasakit, patunay ng kanyang pusong tapat sa paglilingkod, lalo na para sa kapakanan ng mga kabataang Mexicano.
#RSGCares
#BayungMexico

CLICK HERE;

Skip to content