MAYOR RUDING, ININSPEKSYON ANG SAPA SA BARANGAY SAN CARLOS
August 9, 2026
Sa Barangay San Carlos, personal na ininspeksyon ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales ang sapa sa bahagi ng tulay ng barangay na karaniwang nakararanas ng pag-apaw tuwing malakas at tuloy-tuloy ang pag-ulan.
Sa kabila ng walang tigil na pag-ulan, nananatiling maayos ang daloy ng tubig at hindi pa umaapaw ang naturang sapa.
Nakatulong dito ang isinagawang pagpapalinis, pagpapalalim, at paghuhukay gamit ang heavy equipment ng Lokal na Pamahalaan, na naglalayong mapabuti ang daloy ng tubig at mabawasan ang panganib ng pagbaha sa lugar.
Patuloy ang monitoring at agarang pagtugon ng Pamahalaang Bayan sa mga lugar na karaniwang apektado ng pagbaha upang mapanatiling ligtas ang mga residente.