Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

MAYOR RUDING, IPINAHAYAG ANG SUPORTA SA PAMBATO NG MEXICO SA MR. PHILIPPINES 2026

July 25, 2026

Nagbigay ng courtesy visit kay Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales si Mr. Carlo Ocampo ng Barangay San Juan, ang opisyal na kinatawan ng Bayan ng Mexico sa Mr. Philippines 2026 na gaganapin ngayong Agosto.

Kasama ni Mayor Ruding sa pagtanggap kay Mr. Ocampo sina Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan, Councilor Allaine Ramos, at Councilor Vince Balajadia. Sa kanilang pag-uusap, ipinahayag ni Mayor Ruding ang kanyang buong suporta kay Carlo sa nalalapit na kompetisyon.

Hinihikayat din ng alkalde ang mga Mexicano na makiisa sa pagsuporta sa ating pambato habang dala nito ang pangalan at dangal ng Bayan ng Mexico sa pambansang entablado.

Buong Bayan ng Mexico ang nakikiisa sa paghiling ng tagumpay kay Carlo Ocampo sa kanyang laban sa Mr. Philippines 2026.

#RSGCares
#BayungMexico

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1DCBKJmGnE/

 

Skip to content