Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

Mayor Ruding, Nagbigay ng Inspirasyon at Suporta sa mga Future Police Officers ng Mexico

June 23, 2026
Nag-courtesy call kay Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales ang labindalawang (12) Police Trainees ng Philippine National Police (PNP), kabilang ang limang (5) tubong Mexico, Pampanga. Kasama nila si PLT COL Julius A. Javier, Chief of Police ng Mexico Municipal Police Station.
Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Mayor Ruding ang mga police trainees na maging huwaran sa integridad, disiplina, at malasakit sa kapwa. Binigyang-diin niya ang mahalagang papel ng mga pulis bilang tagapangalaga ng kapayapaan at kaayusan, at ang kanilang tungkulin na maglingkod nang may katapatan, lalo na sa oras ng pangangailangan ng mamamayan.
Ipinahayag din ni Mayor Ruding ang kanyang buong suporta sa hanay ng kapulisan bilang katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagpapanatili ng ligtas, maayos, at mapayapang komunidad. Patuloy niyang pinagtitibay ang magandang ugnayan ng lokal na pamahalaan at PNP upang higit pang mapalakas ang seguridad sa bayan.
Patunay ang makabuluhang pagbisitang ito sa patuloy na pagsusulong ni Mayor Ruding ng matibay na ugnayan sa mga institusyong nagpapatupad ng batas at sa kanyang hangaring makabuo ng isang mas ligtas, mas maunlad, at mas mapagkalingang Bayan ng Mexico.
Skip to content