Mayor Ruding nagpaabot ng regalo at aginaldo sa komunidad ng Autism/ADHD/GDD Mexico sa mismong araw ng pasko
Sa mismong araw ng Kapaskuhan, personal na tinanggap ni Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales sa kanyang tahanan ang mga miyembro ng Autism/ADHD/GDD Mexico Community upang ipaabot ang kanyang pagbati at pamaskong handog para sa mga batang may special needs.
Bilang bahagi ng aktibidad, namahagi ang alkalde ng food packs, mga laruan, at aginaldo bilang simbolo ng kanyang malasakit at patuloy na suporta sa sektor ng autism, ADHD, at global developmental delay. Ang simpleng pagtitipon ay naghatid ng saya at pag-asa sa mga bata at kanilang mga pamilya sa araw ng Pasko.
Lubos namang nagpasalamat ang Autism/ADHD/GDD Mexico Community, sa pangunguna ni Roxanne Salas Elefante, sa kabutihang-loob ng alkalde. Ayon sa kanilang mensahe, ang mga regalong ito ay hindi lamang materyal na tulong kundi patunay na sila ay kinikilala, pinahahalagahan, at hindi nakakalimutan.
Mahalaga sa puso ni Mayor Ruding Gonzales ang sektor ng persons with disabilities at mga batang may special needs, isang paninindigang patuloy niyang isinasabuhay sa kanyang serbisyo at pamumuno para sa bayan ng Mexico.
Sa ganitong mga gawain, muling ipinamalas ng alkalde ang tunay na diwa ng Pasko: ang magbahagi ng pagmamahal, pag-unawa, at pag-asa sa kapwa.
#RSGCares
#BayungMexico




