MAYOR RUDING, NAGPAMAHAGI NG 21 WHEELCHAIR PARA SA MGA MEXICANONG NANGANGAILANGAN
Ipinamahagi ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales ang dalawampu’t isang (21) wheelchair sa mga Mexicano na nangangailangan ng mobility assistance, Miyerkules, May 20, 2026, sa Mexico Mini Convention Center.
Ang mga wheelchair ay personal na pinondohan ni Mayor Ruding bilang tugon sa pangangailangan ng mga Mexicanong may karamdaman, kapansanan, hindi makalakad, o may iba pang kondisyong pisikal na naglilimita sa kanilang kakayahang makakilos.
Dumalo at nakiisa sa pamamahagi sina Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan, Councilor Allaine Ramos, Councilor Vince Balajadia, at Councilor Ludet Sicat na layuning inisyatibang mapagaan ang araw-araw na pamumuhay ng mga Mexicano at maisulong ang mas inklusibo, maayos, at makataong serbisyo publiko sa Bayan ng Mexico.
Bilang isang lider na hindi lamang nakatuon sa tungkulin sa pamahalaan kundi aktibong kumikilos maging sa kanyang personal na kapasidad, patuloy na ipinapakita ni Mayor Ruding ang kanyang malasakit at direktang paglilingkod sa mga Mexicano sa pamamagitan ng konkretong tulong na tumutugon sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico
Click here:https://www.facebook.com/share/p/17gHtYeo2b/
Latest Stories