Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

MAYOR RUDING, NAGPASALAMAT SA CITY GOVERNMENT OF SAN FERNANDO PARA SA MAHALAGANG PAGBABAHAGI TUNGO SA MAS INKLUSIBONG SERBISYO

July 25, 2026

Maraming salamat po kay City Mayor Vilma Balle-Caluag at sa buong City Government of San Fernando sa mainit na pagtanggap at pagbabahagi ng inyong kaalaman tungkol sa San Fernando Center for Autism and Neurodiversity (SFCAN).

Malaking inspirasyon sa Bayan ng Mexico ang inyong malasakit at dedikasyon sa pagtataguyod ng inklusibong serbisyo para sa ating mga kababayang may autism at iba pang neurodevelopmental conditions. Nawa’y maging simula ito ng mas matibay na ugnayan at pagtutulungan ng ating mga lokal na pamahalaan upang higit pang mapalawak ang mga programang nagbibigay ng pag-asa at oportunidad para sa bawat pamilya.

Maraming salamat po!

#RSGCares
#BayungMexico

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1HT6B4HcVn/

Skip to content