Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

MAYOR RUDING, NAKIBAHAGI SA VALUES RE-ORIENTATION AT FINANCIAL LITERACY TRAINING PARA SA MGA OFW

June 23, 2026
Nakibahagi si Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales sa isinagawang Values Re-Orientation and Financial Literacy Training para sa mga miyembro ng Mexicano Around the World Association at kanilang mga pamilya, na pinangunahan ni Ms. Cristal Joy Toriano, OWWA Family Welfare Officer, sa pakikipagtulungan ng Public Employment Service Office (PESO) Mexico sa pangunguna ni PESO Manager Romeo Tiglao.
Tinalakay sa aktibidad ang mahahalagang usapin ukol sa pagpapahalaga, pagpapalakas ng samahan ng pamilya, at wastong pamamahala ng pananalapi upang matulungan ang mga OFW at kanilang mga pamilya sa pagharap sa mga hamon at oportunidad na kaakibat ng pangingibang-bansa.
Bilang bahagi ng programa, isinagawa rin ang orientation tungkol sa Tulong PUSO (Tulong Pangkabuhayan sa Pag-unlad ng Samahang OFWs), isang livelihood assistance program na maaaring magbigay ng one-time grant na hanggang ₱1 milyon sa mga kwalipikadong samahan ng OFWs para sa kanilang mga proyektong pangkabuhayan.
Dumalo rin si Mr. Audie De la Cruz, President ng Mexicano Around the World Association, upang makiisa sa aktibidad at talakayan para sa kapakanan ng mga OFW at kanilang pamilya.
Sa kanyang mensahe, kinilala ni Mayor Ruding ang mahalagang ambag ng mga OFW sa pag-unlad ng bayan at bansa, kasabay ng pagbibigay-diin sa patuloy na suporta ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico sa mga programang nagtataguyod ng kapakanan, kaunlaran, at pangmatagalang kabuhayan ng mga OFW.
Patuloy na nakikipagtulungan ang pamahalaang bayan sa mga ahensiyang naglilingkod sa mga OFW upang mas marami pang Mexicano ang makinabang sa mga programang nagbibigay ng kaalaman, oportunidad, at mas maunlad na kinabukasan.

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/18infgtzk3/

Skip to content