Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

MAYOR RUDING, NAKIISA SA OPENING NG BASKETBALL SA SAN NICOLAS

June 14, 2026

SPORTS | Dumalo si Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales sa opening ceremony ng Basketball League sa Barangay San Nicolas ngayong Linggo, June 14, 2026, bilang pagpapakita ng kanyang patuloy na suporta sa kabataan at sports.
Kasama sina Councilor Ar. Ariel Bonus at Councilor Allaine Ramos, hinikayat ni Mayor Ruding ang mga manlalaro na pairalin ang disiplina, respeto, at sportsmanship sa bawat laro. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagiging mapagpasensya dahil ang basketball ay isang pisikal na sport.
Bilang dagdag na suporta, personal na nagkaloob si Mayor Ruding ng tulong para sa liga at namahagi ng papremyo sa bawat koponan at kanilang mga muse, na naghatid ng dagdag na saya sa pagbubukas ng palaro.
Patunay ito ng patuloy na malasakit at suporta ni Mayor Ruding sa kabataang Mexicano, lalo na sa mga programang nagtataguyod ng sports bilang daan sa paghubog ng disiplina, pagkakaisa, at positibong pag-unlad ng bawat kabataang Mexicano.
#RSGCares
#BayungMexico

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1QhztUkWgR/

Skip to content