Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

MAYOR RUDING, NANANAWAGAN SA MGA ELECTRIC AT TELCO COMPANIES

August 9, 2026
Sa kanyang patuloy na pag-iikot at pagsubaybay sa mga lugar na apektado ng pag-ulan, personal na ininspeksyon ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales ang tulay sa Barangay Santo Rosario–San Pablo (Spillway).
Sa isinagawang inspeksyon, nakita ang ilang kable ng kuryente at telecommunication lines na nakabitin sa bahagi ng tulay.
Nananawagan si Mayor Ruding sa mga electric providers at telecommunication companies na agad na magsagawa ng inspeksyon at ayusin ang mga nakabitin na kable upang maiwasan ang anumang aksidente o panganib sa buhay, lalo na kung patuloy pang tataas ang tubig sa lugar.
Ang ganitong kondisyon ay maaaring magdulot ng seryosong panganib sa mga residente at mga dumaraan sa lugar. Dahil dito, hinihiling ng Lokal na Pamahalaan ang agarang pagtugon ng mga kinauukulang kumpanya.
Patuloy ang pagbabantay ng Lokal na Pamahalaan para sa kaligtasan ng bawat Mexicano. Mag-ingat po tayong lahat, manatiling alerto, at patuloy na manalangin. 🙏🌧️

Click here: https://www.facebook.com/share/r/1Dgm8yWvAK/

Skip to content