Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

MAYOR RUDING, NANGUNA SA PAMAMAHAGI NG GAMOT AT MEDICAL SUPPLIES SA MGA RHU

January 15, 2026

MEXICO COMMUNITY HOSPITAL — Personal na nanguna ni Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales ang pamamahagi ng mga gamot at medical supplies ngayong araw para sa Rural Health Units (RHU) 1 hanggang 6, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na tiyakin ang maayos at sapat na serbisyong pangkalusugan para sa lahat ng Mexicano.

Tiniyak ni Mayor Ruding na bawat RHU ay makatatanggap ng kinakailangang supply upang patuloy na makapagbigay ng dekalidad at agarang serbisyong medikal sa kani-kanilang nasasakupan. Ayon kay Mayor Ruding, mahalaga ang matibay na suporta sa mga frontline health workers upang mas mapalapit sa mamamayan ang serbisyong pangkalusugan.

Naroon rin sa distribution ang mga Rural Health Physicians, Public Health Nurses, at ang kanilang mga staff mula sa iba’t ibang RHU, na patuloy na nagsisilbi bilang haligi ng primary healthcare services sa bayan.

#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico

Click here: https://www.facebook.com/share/p/1836P1mLoT/

Skip to content