Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

MAYOR RUDING, PINANGUNAHAN ANG PANUNUMPA NG MGA BAGONG HALAL NA SPTA AT HRPTA OFFICERS SA PANGATLAN ELEMENTARY SCHOOL

June 27, 2026

Ngayong araw, June 27, 2026, pinangunahan ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales ang oathtaking ceremony ng mga bagong halal na opisyal ng School Parents-Teachers Association (SPTA) at Homeroom Parents-Teachers Association (HRPTA) ng Pangatlan Elementary School, bilang pagpapakita ng suporta ng lokal na pamahalaan sa mga programang naglalayong mapaunlad ang edukasyon at kapakanan ng mga mag-aaral.

Dumalo rin sa programa sina Barangay Captain Rommel Tulabut at mga miyembro ng Sangguniang Barangay ng Pangatlan, na nagpahayag ng kanilang pakikiisa sa pagpapalakas ng ugnayan ng paaralan, mga magulang, at komunidad para sa mas maayos na kinabukasan ng kabataan.

Patuloy ang Lokal na Pamahalaan ng Mexico, sa pangunguna ni Mayor Ruding, sa pagsusulong ng mga programang nagbibigay-halaga sa edukasyon, sapagkat naniniwala siyang ang matatag na paaralan at aktibong pakikilahok ng mga magulang ay pundasyon ng isang mas maunlad na Mexico.

#RSGCares
#BayungMexico

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/18p9qZ7NPM/

Skip to content