Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

MAYOR RUDING, SUPORTADO ANG TEAM PHILIPPINES UNDER-22 SA WORLD YOUTH CHAMPIONSHIP 2026

July 25, 2026

Nagbigay ng courtesy visit kay Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales ang Team Philippines Under-22 Pampanga bago ang kanilang paglahok sa World Youth Championship 2026 na gaganapin sa Singapore sa Agosto 6–9.

Buong suporta ang ipinahayag ni Mayor Ruding sa koponan at hinangaan ang kanilang dedikasyon sa pagdadala ng karangalan sa Pampanga at sa buong Pilipinas sa world stage.

Kabilang sa delegasyon ang dalawang manlalarong Mexicano na sina John Daniel Millado ng Barangay San Vicente at Eryk Lopez ng Barangay Anao, na kapwa napiling maging bahagi ng Team Philippines at kakatawan sa bansa sa prestihiyosong paligsahan.

Mula kay Mayor Ruding at sa buong Bayan ng Mexico, taos-pusong pagbati at panalangin para sa inyong ligtas na paglalakbay at matagumpay na kampanya. Ipagmalaki ninyo ang galing ng Pilipino at ng mga Mexicano.

Good luck, Team Philippines!

#RSGCares
#BayungMexico

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1FRYAZHTuK/

 

Skip to content