Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

MERRY ANG CHRISTMAS NG LAHAT!

December 15, 2025

Pinangunahan ni Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales ang lingguhang flag ceremony ng lokal na pamahalaan, kung saan inanunsyo ng alkalde na tatanggap ng economic subsidy ang lahat ng kawani ng munisipyo—Job Order, permanent, at casual employees—bilang kanilang pamasko.
Ibinahagi rin ng alkalde na sa halip na magsagawa ng taunang Christmas party, minabuti ng pamahalaang bayan na ilaan ang pondo sa mas makabuluhang benepisyong direktang mapapakinabangan ng mga kawani. Ito ay bilang pasasalamat at pagkilala sa kanilang patuloy na serbisyo, sakripisyo, at dedikasyon sa loob ng isang taon.
Ang hakbang na ito ay patunay ng malasakit ng lokal na pamahalaan sa kapakanan ng mga kawani na patuloy na nagsisilbi nang may integridad at malasakit sa mamamayan.

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/14RrhTDacDs/

Skip to content