Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

MEXICO BET PARA SA MISS GAY PAMPANGA 2026, NAG-COURTESY VISIT KAY MAYOR RUDING; SUPORTA NG LGU, IPINAHAYAG

June 8, 2026

Nag-courtesy visit sa tanggapan ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales si Kyle Garchitorena ng Barangay San Lorenzo, na magiging kinatawan ng Bayan ng Mexico sa Miss Gay Pampanga 2026 ngayong Hunyo.
Sa maikli nilang pag-uusap, tinalakay ang kanyang nalalapit na paglahok sa patimpalak sa antas panlalawigan kung saan inihayag ni Mayor Ruding ang kanyang suporta.
Kasabay ng pagdiriwang ng Pride Month, nagpaabot din ng maagang pagbati ang alkalde sa pagbisita ni Kyle at sa pagrepresenta nito sa sa bayan ng Mexico.
Kasama ring tumanggap sa kanya sina Councilor Engr. Tristar Sotto, Councilor Allaine Ramos, at Tourism Officer Michael Angelo Panlilio.

#RSGCares
#BayungMexico

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1CvFvE2yLL/

Skip to content